^

Metro

Parak na bumigti sa dating ka-live-in sa harap ng 2 anak, sumuko na

Ni Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sumuko na  ang isang pulis na sinasabing  bumigti at pumatay sa kanyang dating kinakasama  sa harap ng dalawa nilang musmos na anak,  kamakailan sa Beehive Traveler’s Inn, sa Sampaloc, Maynila.

Nabatid na ilang araw ang isinagawang manhunt operation ng Manila Police District-Homicide Section sa pamu­muno ni P/Sr., Insp. Joselito de Ocampo laban  sa suspect  na  si PO3 Ronald Fontejon, nakatalaga sa Police Security Protection Group (PSPG) sa Camp Crame, bago  ito kusang sumuko.

Kamakalawa ng gabi, nang ma­pilitan  itong sumuko sa isang heneral sa PNP-Camp Crame sa Quezon City at kahapon ay binitbit na ito sa MPD para sampahan ng kasong murder.

“Sumuko kagabi sa Camp Crame, siguro alam niya na marami nang sumu­sunod sa kanya, sinalto namin ang bahay nito sa Villamor Airbase, ’di namin nakita,” ayon kay P/Sr. Insp. De Ocampo.

Hinala ng pulisya na sa pagtanggi umanong makipagbalikan ng biktimang si Kylie Ann Barocca, 30, ng Tanza Cavite­, ang tinitingnang motibo ng pulisya sa pamamaslang.

Napag-alaman na papaalis na muli si Barocca patungong Qatar, para sa inaplayan nitong lady truck driver.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng pulisya na bago umano naganap ang insidente, niyaya umano ng suspect ang biktima na magsimba na lang dahil paalis na ito patungong Qatar at ipinasama pa nito ang kanilang dalawang anak pero sa halip na sa simbahan magtungo ay sa Traveller’s Inn itinuloy ang mag-iina.

Nabatid pa sa report ng pulisya na umano’y inalok pa ng kasal ng suspect ang biktima ngunit tumanggi ang huli na nagpatindi pa sa galit ng una.

Kaugnay nito, nasa kustodiya na ng kanilang lolo at lola ang naulilang bata na nasa edad 3 at 4.

BEEHIVE TRAVELER CAMP CRAME DE OCAMPO KYLIE ANN BAROCCA MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION NABATID POLICE SECURITY PROTECTION GROUP QUEZON CITY RONALD FONTEJON
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with