^

Metro

Producer ng GMA 7, napagkamalan sugatan sa African national

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinakip ng pulisya ang isang African national matapos nitong hatawin ng kahoy sa ulo ang isang executive producer ng GMA-Channel 7  makaraang mapagkamalan itong kasama sa nandukot sa kanya, kamakalawa sa Makati City. Nakakulong ngayon sa Makati City Police ang suspek na si Kevin Novo Rivera, 38, nakatira sa Flovidel 1, Angeles City, Pampanga.

Samantala, nilapatan ng lunas sa Makati Medical Center (MMC) ang biktimang si Cliff Clyde Ambid, 37, nakatira ng  Sampaloc, Manila at executive producer ng GMA-7.

Ayon sa pagsisiyasat ni SPO1 Rico Caramat, ng Station Investigation Division (SID), Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-4:15 ng hapon sa panulukan ng East at North Sts., katabi ng Glorietta 5, Brgy. San Lorenzo ng nabanggit na lungsod habang naglalakad ang biktima sa nabanggit na lugar  papunta sa pinagparkingan ng kanyang sasakyan nang masalubong nito ang dayuhan.

Dito ay hinabol ang biktima ng suspek at walang sabi-sabing hinataw nito ng kahoy sa ulo ang una. Kahit sugatan ang biktima ay umiwas ito, subalit hinabol pa rin ito ng suspek at sinuntok. Dahil sa insidente ay rumesponde ang mga guwardyang  naka-duty hanggang sa dinakip nila ang nasabing suspek at isinugod naman sa nabanggit na ospital ang biktima.

Ayon sa pulisya, pinagkamalan lamang ng suspek ang biktima na kasama sa mga nandukot sa kanya.

vuukle comment

ANGELES CITY

AYON

CLIFF CLYDE AMBID

KEVIN NOVO RIVERA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MAKATI MEDICAL CENTER

NORTH STS

RICO CARAMAT

SAN LORENZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with