^

Metro

Kuliglig driver na holdaper, tigok sa parak

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines – Patay nang manlaban sa mga pulis ang isang kulilig driver na itinurong nangholdap sa  pasaherong estudyante sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Hindi pa tukoy ang  pagkikilanlan ng napatay na suspect na inilarawan lamang sa  edad 25-30, may  taas 5’4’’-5’6’’, nakasuot ng kulay berdeng t-shirt,   maong na short pants, tadtad ng tattoo sa katawan na indikasyong miyembro rin ng Commando gang.

Sa ulat ni SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section,  dakong alas-11:15  ng gabi nang maganap ang insidente sa may panulukan ng Masangkay at Benavidez Sts., Tondo. Ayon sa estudyanteng si  “Zhane”, 25, ng Manila Central University, nagtaka siya kung bakit sa Benavidez umano idinaan ang kuliglig. Nang tanungin ang suspect ay sinabi nito na ‘shortcut’ umano ang kanilang dinadaanan.

Hindi na nagtagal ay biglang nagdeklara ng holdap at  kinuha ang kulay pink niyang  shoulder bag kabilang ang cellphone at wallet at inutusan siyang bumaba. Nang mamataan ng biktima ang mga pulis na tauhan ni P/Supt.Ernesto Tendero, ng MPD-Station 2 ay agad itinuro ang tumatakas na suspect.

Hinabol at sinita ang suspect subalit nagpaputok umano ito sa direksiyon ng mga pulis. Narekober sa suspect ang bag ng biktima na naglalaman ng mga IDs, P200 at Blackberry phone.

vuukle comment

AYON

BENAVIDEZ

BENAVIDEZ STS

ERNESTO TENDERO

GLENZOR VALLEJO

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with