Motorsiklo salpok sa puno: 2 sapatero patay

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang sapatero makaraang sumalpok ang sinasak­yan nilang motorsiklo sa isang puno ng acacia na nakatayo sa center island­ sa lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ni PO3 Rabin­dranas Sierra, Traffic Sector 2 ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU) ang mga nasawi na sina Berlito Rance, 31; at Alvin Castillo, 21, kapwa re­sidente ng Purok 12, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Nasawi ang mga biktima matapos na magtamo ng matin­ding pinsala sa kanilang katawan at ulo.

Naganap ang aksi­dente sa may Don Mariano­ Marcos Ave­nue sa tapat ng Jordan Plains Subd., Brgy. Sta Monica ganap na alas- 11:35 ng gabi.

Sinasabing sakay ng isang motorsiklo (4627 UQ) ang dalawang biktima at matuling tinatahak ang naturang lugar­ ng bigla na lamang itong nawalan ng kontrol at magpagewang-gewang.

Dahil sa bilis, su­mampa ang motorsiklo sa center island hanggang sa salpukin nito ang nakatayong puno ng acacia dito.

Sa lakas ng impact, nawasak ang motorsiklo dahilan para magtamo ng matinding pinsala sa katawan ang mga biktima at masawi.

Show comments