Pinagbintangan nambato ng bahay, shinotgun

Manila, Philippines - Napagbintangang nambabato umano ng bubungan ng bahay ang isang 40-anyos na basurero kaya binaril at napatay ito ng kapitbahay sa Tondo, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Romerto Garcia, ng Baseco Compound, Tondo, Maynila sanhi ng tama ng bala sa tiyan.

Kinilala lamang ang tumakas na suspect sa alyas na Ricky, na sinasabing kapitbahay ng biktima.

Naganap ang insidente dakong alas-7:00 ng gabi sa Baseco Compound, Tondo, Maynila.

Nauna rito, nag-iinuman ang biktima at isang kaibigan na nakilalang si Allan nang dumating ang suspect at pagbinta­ngan ang dalawa na nambato sa kanyang bahay na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Nabigla na lamang ang dalawa nang biglang paputukan sila ng dalang improvised shotgun ng suspect saka mabilis ding tumakas.

Napuruhan ang biktima na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

Show comments