^

Metro

Biktima ng salvage natagpuan

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan na tadtad ng saksak at tama ng bala ng baril sa katawan at ulo kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Inilarawan ng pulisya ang biktima na nakasuot ng itim at puti na shorts, asul na t-shirt, nasa 5’7’’ ang taas at katam­taman ang pangangatawan.

Dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa panulukan ng Zapote at Tirona, Brgy.  138 Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Batay sa imbestigasyon, nakatali ng electric wire ang dalawang kamay ng biktima, binalutan ng masking tape ang ulo, itinali ng nylon cord ang katawan at tadtad ng saksak at mga tama ng bala na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.

Hinala ng pulisya, posibleng pinahirapan muna ang biktima bago pinatay kung saan nagsasagawa na ng imbestigas­yon ang pulisya sa nasabing insidente.  

vuukle comment

BAGONG BARRIO

BATAY

BIKTIMA

BRGY

CALOOCAN CITY

DAKONG

HINALA

INILARAWAN

ISANG

TIRONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with