51-anyos lasog sa taxi

Manila, Philippines - Dead-on-arrival sa United­ Doctors Medical Center (UDMC) ang 51-anyos na lalaki nang mabangga ng isang taxi dahil sa hindi na naman­ umano pagtawid sa tamang tawiran, kahapon ng mada­ling-araw sa panulukan ng España at Blumentritt Sts. sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Ricardo Cabasisi, ng Brgy. Sto. Domingo, Quezon City.

Nakapiit na ang suspect na si Reynaldo Castelo, 51, tubong-Nueva Ecija at driver ng EFE taxi (TWV-948) na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence re­sulting in homicide.

Depensa ni Castelo, iniiwasan nito ang tatlong pa­patawid sa kalsada nang hindi niya napansing pa­patawid din ang biktima kaya niya ito nahagip.

Sa ulat ni PO3 Jaime Gonzales Jr. ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit , naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng mada­ling-araw sa nabanggit na lugar, kung saan hindi naman umano takdang tawiran ng tao ang dinaanan ng biktima.

Show comments