Bebot biktima ng salvage, natagpuan

MANILA, Philippines - Hinihinalang biktima ng salvage ang isang hindi na­kikilalang babae na natagpuan ang bangkay na palu­tang-lutang sa karagatan na nasasakupan ng Navotas City kamakalawa ng gabi. Ha­bang sinusulat ang ba­litang ito ay inaalam pa ng mga kagawad ng Navotas City Police ang pagkakakilanlan ng biktima.

Base sa imbestigasyon ni P02 Philip Edgar Valera ng Station Investigation Division (SID) ng Navotas City Police, dakong alas-10:20 ng gabi nang matagpuan ng ilang residente ang bangkay ng babae, na lulutang-lutang sa karagatan ng Davila St., Brgy. Navotas West ng nasabing lungsod.

Dahilan upang kaagad ipa­alam ng mga residente sa pulisya ang insidente at lumalabas sa pagsisiyasat ng mga rumespondeng SOCO na may tama ng bala ng baril sa likod ang biktima.

Ang bangkay ng babae ay dinala na sa Marcelo Fu­ne­ral homes. Nabatid pa sa pulisya, posibleng sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon ang bangkay nito sa naturang lugar upang iligaw ang mga pulis sa kanilang im­bestigasyon.  

Show comments