^

Metro

Helper nalitson sa kuryente

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 22-anyos na helper makaraang halos malitson ang katawan nito nang makuryente sa talop na kawad habang naglilinis ng kisame sa pi­napasukang tindahan, kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Nakilala ang nasawi na si John Rey Cutamura, trabahador sa JSN Penthouse Store na nasa Villa Cartimar, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Pasay City Police, nadiskubre ang halos sunog na katawan ni Cutamura ng kasamahan sa trabaho dakong ala-1:30 kamakalawa ng hapon sa isang bahagi ng tindahan.

Nabatid na inutusan ni Edgardo Nuque, 58, may-ari ng tindahan, si Cutamura na linisin ang kisame sa ika­lawang palapag.

Binitbit pa umano ni Cutamura ang aluminyong hagdanan upang maabot ang kisameng lilinisin suba­lit makaraan ang 30-minuto ay nakita na lamang ng mga kasamahan ang biktima na hindi na kumikilos at nakasabit ang kalahati ng katawan sa inakyat na kisame.

vuukle comment

BINITBIT

CUTAMURA

EDGARDO NUQUE

JOHN REY CUTAMURA

NABATID

NAKILALA

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PENTHOUSE STORE

VILLA CARTIMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with