^

Metro

Sahod ng researcher, consultant, casual sa OVM, 38 konsehal walang kumukuha

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nagpahayag  ng pagtataka ang city legal officer ng lungsod ng Maynila kung  bakit hanggang ngayon ay wala pa ring kumukuha ng  sahod ng may 493 empleyado ng  Office of the Vice Mayor at ng 38 konsehal mula Abril 21 hanggang Mayo 15, 2012.

 Ayon kay city legal officer Atty. Renato dela Cruz,  nagpadala na siya ng sulat kay Atty. Luch Gempis, Jr., Secretary City Council noong  Mayo 14, 2012, kung saan inaabisuhan nila na kunin ang  sahod na hanggang  ngayon ay  hindi pa rin nakukuha ng mga casual, consultant at researchers ng  OVM at 38 konsehal.

Nabatid kay Dela Cruz  na hanggang kahapon ay wala pa ring natatanggap na payroll  si city treasurer Marissa de Guzman.

 Sinabi naman ni chief of staff at media bureau chief Ric de Guzman na siyam na konsehal pa lamang ang  nagsusumite ng listahan ng mga casuals, consultants at researchers, na may kaukulang documentation.

Kabilang na dito sina councilors Niño dela Cruz, Ramon Morales, Josie Siscar, Bobby Lim, Lou Veloso, Joey Uy, Bimbo Quintos XIV, Rod Lacsamana, at Eunice Castro.

Paliwanag ni De Guzman na batay sa report ng CTO, ang P3.8 milyon  na sahod ng  mga emplyeado ng OVM at mga konsehal ay kailangan na ibalik sa treasury kung walang  kukuha.

vuukle comment

BIMBO QUINTOS

BOBBY LIM

CRUZ

DE GUZMAN

DELA CRUZ

EUNICE CASTRO

GUZMAN

JOEY UY

JOSIE SISCAR

LOU VELOSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with