^

Metro

Pagkikita ng mag-ex na young actor, young actress nauwi sa bugbugan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Bugbog-sarado ang isang young actor sa mga kaibigan ng kanyang da­ting girlfriend sa isang bar sa Makati City kahapon ng madaling-araw.

Agad na isinugod ang biktimang si Albie Casiño,18, sa Makati Medical Center para sa paunang  lunas habang kinilala  naman ng ina nito na si Rina Casiño ang mga suspect na si  Frank Magalona;  Carlos Concepcion; alyas Lacson at Arce. Ang mga ito ay mga kaibigan umano ng young actress na si Andi Eigenmann.

Sa report na nakarating sa  tanggapan ng Police Community Precinct 9, Makati City, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling-araw sa Fiamma Bar, sa Jupiter St., Brgy. Bel-Air, ng nabanggit na siyudad.

Ayon sa ina ni Albie, nagkita umano ang dating magkasintahan sa nabanggit na bar na umabot sa mainitang pagtatalo.

Tinapunan ng alak at sinampal umano ni Andi si Albie na binalewala ng huli at ipinasyang umalis para hindi na lumaki ang gulo. Subalit sinundan umano si Albie sa parking lot ng mga suspect  at pinalo ito  sa ulo  ng bote ng alak hanggang sa  dumating ang mga bouncer ng bar na umawat sa gulo.

Nagpapagaling naman si Albie sa nasabing ospital matapos na sumailalim sa CT scan.

Desidido naman ang pamilya ni Casiño na magsampa ng kaso laban kay Eigenmann at mga kasama nito.

vuukle comment

ALBIE

ALBIE CASI

ANDI EIGENMANN

CARLOS CONCEPCION

FIAMMA BAR

FRANK MAGALONA

JUPITER ST.

MAKATI CITY

MAKATI MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with