Panamenian dakma sa kasong rape

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang 35-anyos na Panamenian makaraang ireklamo ng 19-anyos na dalaga sa kasong rape sa Makati City, ayon sa opisyal kahapon.

Kinilala ni CIDG- Women and Children Protection Division officer-in-charge P/Supt. Emma Libunao ang naarestong dayuhan na si Erick Shcks, ng Le Triomp Bldg.,159 Dela Costa Street, Salcedo Village, Makati City.

Bandang alas-5 ng hapon kamakalawa ng masakote ang suspek sa fastfood chain sa De la Costa St., Salcedo Village, Makati City.

Sa salaysay ng biktima, nakilala niya ang suspect sa book fair at makalipas ang ilang araw ay inanyayahan siya ng dayuhan sa tinutuluyan nito dakong alas-11 ng gabi noong Abril 23.

Sinabi pa ng biktima na may ipinaamoy sa kanya ang suspect kaya siya nahilo at naisagawa ang maitim na balak. Joy Cantos (with trainee Evelyn Quejada

Show comments