^

Metro

5 wanted tiklo sa checkpoint

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Umaabot sa limang most wanted person ang nadakma ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na checkpoint sa Marikina City. Ayon kay P/Senior Supt. Gabriel Lopez, hepe ng pulisya, kabilang sa mga naarestong suspek ay sina Edwin San Miguel na may kasong homicide; Joseph Montenegro, Ritch Balmores na nahaharap naman sa kasong robbery; Lauro Mendoza na may kasong theft at si Oliver Berdaje na pawang may mga nakabinbing warrant of arrest. Bukod sa limang wanted, naaresto rin si Juan de Guzman ng Brgy. Concepcion Uno, Marikina matapos makumpiskahan ng hindi lisensyadong baril. Ang nasabing operasyon ng pulisya ay inilunsad matapos ang seryeng krimen sa Marikina City kung saan kalimitan ang sangkot ay riding-in-tandem. Matatandaan na napikon si Mayor Del De Guzman sa sunud-sunod na krimen at partikular na inatasan si Lopez na palakasin ang seguridad sa lungsod upang hindi umatras ang mga negosyante.

vuukle comment

CONCEPCION UNO

EDWIN SAN MIGUEL

GABRIEL LOPEZ

JOSEPH MONTENEGRO

LAURO MENDOZA

MARIKINA CITY

MAYOR DEL DE GUZMAN

OLIVER BERDAJE

RITCH BALMORES

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with