Umiwas sa gulpi, bading pisak sa trak

MANILA, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang ba­ding matapos masagasaan ng truck habang papatakas sa mga humahabol na grupo ng mga bading na kaniyang nakaaway sa Sta. Cruz, Maynila  kahapon ng madaling-araw.

Idineklarang patay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang  biktimang si Kenneth Garcia, high school student at nakatira sa Sta.Cruz, Maynila.

Batay sa ulat ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit, dakong ala-una y medya ng madaling araw, naganap ang insidente sa panulukan ng Dimasalang at Becerra Streets.

Sa pahayag ng ilang saksi, hinahabol ang biktima ng kanyang mga nakaaway na grupo ng bading hanggang sa tumawid ito sa Dimasalang Steet.

Dito na nahagip ng truck (RJK-146) si Garcia kung saan sa halip na huminto ay tinakasan ang biktima.

Tumilapon ng ilang metro ang biktima habang ang grupo ng bading na humahabol ay nagpalakpakan pa nang makitang nabundol ang biktima.

Show comments