7 holdaper arestado

MANILA, Philippines - Pitong holdaper ang arestado matapos makapambiktima ng isang pampasaherong jeep at sibilyan sa magkahiwalay na insidente kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang madakip sina James Aquino, 28, ng G. de Jesus, Bagong Barrio, Caloocan City; Manuel Anzale, 19; Jeff Kensley Corre, 18; Gilbert Sacil, 24; at Rommel Presado; 20, ng Bgy.  Potrero, Malabon City.

Batay sa ulat ng Station Investigation Division (SID), sakay ang mga biktimang sina Maria Venice Mata, 19; at Mark Genesis Evangelista, 20, ng pampasaherong jeep at pagsapit sa Nangka Road, Caloocan City ay hinarang ang mga ito ng mga suspect sakay ng tricyle.

Agad na nagsampahan sa jeep ang mga suspect sabay kuha sa bag ni Mata na nagla­laman ng P30,000 cash at mga cellphones.

Samantala, nakuhanan naman ng paltik na baril ang mga suspect na sina Edmund Mallo, 21; at Arnel Veloso, 39, kapwa ng Lansones St., Brgy. Potrero, matapos na tangkaing holdapin ang isang lalaki na tumatawid sa footbridge.

Pinalad na nakatakbo pababa ang lalaki hanggang sa makakita ng mga pulis na nagroronda na naging dahilan upang akyatin ang mga suspect.

Hindi na nanlaban ang mga suspect na dinala sa presinto na nahaharap sa mga kasong illegal possession of firearm at illegal possession of deadly weapon.

Show comments