Tsinay niratrat sa video karera

MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 32-anyos na babae matapos pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa loob ng kanyang tahanan sa Brgy. Tugatog sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Isinasalba sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang buhay ng biktimang si Aimee Sy matapos tamaan ng bala ng baril sa ulo.Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na naglalaro ng video karera ang biktima sa loob ng kanyang bahay dakong alas-11:45 ng gabi nang pasukin at ratratin. Wala naman lumutang na testigo sa naganap na krimen habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments