500 kilo ng frozen meat, nasamsam

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 500 kilo ng frozen meat ang kinum­piska ng mga tauhan ng National Meat Inspection Service sa isang palengke sa Caloocan City kahapon.

Base sa report, dakong alas-6:00 ng umaga nang puntahan ng mga tauhan ng NMIS ang Bagong Silang Public Market sa lungsod upang tingnan ang mga karneng ibinebenta dito.

Nabatid, na tatlong puwesto ang kinakitaan na hindi tama ang pagkakalagak ng mga frozen na karne ng baboy at manok dahilan upang samsamin ang mga ito.  

Show comments