Police asset, tinigok

MANILA, Philippines - Isang lalaki na pinaghihinalaang police asset ang binaril at pinatay ng hindi pa nakikilalang suspect kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Pres. Diosdado Macapagal Memorial Medical Center ang biktimang si Rafael Ignacio “alias Bunso”, 27, ng General T. de Leon, Va­­lenzuela City matapos na magtamo ng ilang tama ng bala ng baril sa katawan.

Ayon kay PO2 Rommel Bau­tista, ng Station Investigation Division (SID), Caloocan City Police, naganap ang insi­dente dakong alas-3:15 ng madaling-araw sa Langaray St., Caloocan.

Nabatid sa saksing si Maggie­ Cruz na nakarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril at tumatakbo sa kanya ang biktima na duguan at humi­hingi ng tulong hanggang sa bumagsak ito sa kanyang harapan.

Kaagad na humingi ng tulong si  Cruz sa Northern Police District (NPD), na malapit lamang sa kinatatayuan nito.

Posibleng pinaghinalaang police asset ang biktima dahil sa madalas nitong pagpunta sa tanggapan ng NPD.

Show comments