Bading natagpuan patay

MANILA, Philippines - Blangko pa ang awtoridad sa motibo sa pagpatay sa isang umano’y bading na natagpuang nakahandusay ang bangkay sa bangketa ng Oroquieta St. malapit sa panulukan ng Cavite St., sa Sta Cruz, Maynila, kahapon ng ma­daling­-araw. Kinilala ang biktima na si Mateo Vicente, residente ng Yakal St., Tondo. Napansin na lamang ang bangkay sa madilim na bahagi ng nasabing kalye dakong alas-4:30 ng madaling-araw. Maga ang mukha at may sugat sa noo na mistulang pinalo ng matigas na bagay ang tinamo ng biktima. Gayunman, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso.

Show comments