Mister dedo sa miyembro ng gang

MANILA, Philippines - Patay ang isang mister matapos itong pagsaksakin ng isang miyembro ng isang gang sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Tondo Me­dical Center ang biktimang si Eduardo­ Mondares, 42, ng Phase 3, Gozon Compound, Brgy. Tonsuya ng nabanggit na siyudad na nagtamo ng ilang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa kilalang suspect na sinasabing miyembro ng isang gang.

Sa inisyal na imbestigas­yon, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng ma­daling-araw malapit sa bahay ng biktima.

Ayon sa tiyuhin nitong si Jose Mondares, nakita niya ang pamangkin si Eduardo, na tumatakbo papunta sa kanilang bahay na duguan, dahilan upang dalhin ito sa nabanggit na pagamutan subalit binawian din ng buhay.     

Ang biktimang nasawi ay pinsan ng pinatay na photo journalist na si Dick Melendres at inaalam pa ng pulisya kung ang pagpaslang sa magpinsan ay may kaugnayan sa isa’t isa o iisa ang suspect sa dalawang insidente ng krimen.

Show comments