Trahedya sa pista: 1 patay , 2 sugatan

MANILA, Philippines - Humantong sa trahedya ang pagdiriwang ng pista ng Santo Niño makaraang isang obrero ang masawi at dalawa pa ang nasa kritikal na kondisyon nang pagsasaksakin ang mga ito ng hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Joey Raymond Domingo, 33, ng Villa Imelda, Brgy. 178, Camarin, ng naturang lungsod, sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t bang bahagi ng katawan.

Samantala, nasa kritikal namang kondisyon sina Ronald Maturan, 23, at Jomer Calzado, 2.         

Naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng gabi sa kahabaan ng Villa Imelda, habang ipinagdiriwang ang pista ng Santo Niño. Nag-iinuman umano ang mga biktima nang makarinig ng kaguluhan at nakiusyoso.     

Naunang tumayo si Do­mingo na sinaksak ng sus­pect. Sinaklolohan nina Ma­turan at Calzado si Domingo, subalit sila naman ang pinagbalingang saksakin ng suspek­.

Show comments