HS teacher, utas sa lover

MANILA, Philippines - Isang 49-anyos na high school teacher ang pinatay at pinagnakawan ng umano’y kanyang lover sa loob ng kaniyang bahay sa Tondo, Maynila, kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Nelson Macam, ng Tayuman St., Tondo. Tadtad ito ng saksak sa dibdib, likod at sa mga kamay.

Sa ulat ni PO3 Jupiter Tajonera, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala-1:40 ng hapon kamakalawa nang madiskubreng patay ang biktima sa loob ng kanyang bahay.

Sa naging pahayag ng kapatid nito na si May Macam, 40, tinatawagan niya sa bahay­ ang kanyang kuya para yayaing kumain sa kanilang bahay subalit wala umanong sumasagot kaya naisipan niyang puntahan na lamang.

Bumulaga sa kanya ang nakadapa at duguang bangkay ng kapatid.

Tumatakbo din ang DVD player at may naiwang nakasaksak pang charger subalit wala na ang cellphone.

Maliban sa nawawalang cellphone ng biktima, posib­leng may nawawala pang ibang gamit at pera, bagamat maayos naman ang mga gamit sa cabinet at sa loob ng kanyang bahay.

Nakalap din ng imbesti­gador na may mga dina­dalang bisitang lalaki ang biktima na posibleng ‘lover’ nito ang may kagagawan ng krimen dahil kilala itong bading­ sa na­sabing lugar.

Hinihinalang may 5 oras nang patay ang biktima bago ito nadiskubre.

Show comments