MANILA, Philippines - Dahil bumaba ang bilang ng mga malnourished na kabataan, itinuring na naging matagumpay ang anim na buwang feeding program ng Navotas City.
Ayon kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, nitong nakalipas na taon ay nasa 4.8 na porsiyento ang taas ng mga batang malnourished hanggang sa bumaba na lamang ito sa kasalukuyan sa 1.1%.
Ito’y sa pakikipagtulungan na rin ng Sangguniang Kabataan, Barangay Council, Barangay Health Workers at City Social Welfare Development na umabot sa 1,134 na mga batang malnourished ang nabigyan ng supply ng mga masustansiyang pagkain at bitamina sa loob ng 6-na buwan mula sa 14 na barangay.
Layunin ng lungsod na sa pagtatapos ng taong™ 2012 ay maging zero malnourished na ang lungsod.
Kaugnay nito, nakikipagtulungan na rin ang Department of Health sa pamahalaan lungsod para sa pagkolekta ng bagong datos na bilang ng mga batang mababa ang timbang o malnourished simula ngayong buwan hanggang Marso para sa paghahanda ng mga pangunahing supply sa gagawing feeding program na magsisimula sa Abril 2012.