111th anniversary ng MPD

MANILA, Philippines - Magdiriwang ngayon ng ika -111 anibersaryo ang Manila Police District (MPD) na may temang “Pulis at Mamamayan Magkaagapay Tungo sa Matuwid na Daan”. Pangungunahan ng bagong promote na si Chief Supt.Alejandro Guttierez, ang pagdiriwang kung saan si Manila Mayor Alfredo Lim ang “guest of honor”.

Sa okasyon, gaganapin din ang oath-taking ni Guttierez bilang isang bagong heneral at director ng MPD. Bibigyan din ng parangal sa okasyon ang mga karapat-dapat na opisyal ng MPD at mga barangay officials na naging katuwang sa pagsugpo ng kriminalidad sa Maynila.

Show comments