Obrero nagbanta pa sa nobya bago nagbigti

MANILA, Philippines - Binantaan pa ng isang obrero ang kanyang da­ting kasintahan na hindi ito patatahimikin bago ito nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti sa inuupahang silid sa Las Piñas City.

Dakong alas-4 ng madaling-araw kahapon nang madiskubre ng mga kasamahan ang bangkay ng bik­timang si Dionido Sacayan, 38, sa loob ng inuupahang silid sa isang bahay sa In­terior Arias St., Cecilia, Brgy. Talon 2, ng naturang lungsod.

Sa imbestigasyon ng Las Piñas City Police, sunud-sunod­ na mensahe ang ipina­dala sa pamamagitan ng “short messaging system” sa cellphone ng nasawi sa kanyang 23-anyos na dating ka­sintahan na si Irene Tundag, bago ito nagpatiwakal.

Ayon kay Tundag, naki­pag­kalas siya kay Sacayan sa mismong araw ng Pasko dahil sa hindi na umano niya matiis ang mga panla­lait sa kanya ng dating nobyo kahit na sa harap ng ibang tao. Hindi­ umano ito matanggap ng nasawi na binulabog si Tundag ng pagpapadala ng sari-saring text mes­sages upang makipagbalikan ang babae na hindi naging epektibo.

Ang pinakahuling mensahe naman na ipinadala ni Sacayan ay ang mga katagang, “Ma, mahal na mahal kita, malalaman mo na lang bukas ang malaking balita, pagsisisihan mo ang lahat ng ginawa mo sa akin. Hindi kita patatahimikin.”

Show comments