Mister dinedo sa inuman

MANILA, Philippines - Patay ang isang mister makaraang saksakin ng kanyang ka­inuman matapos magkulitan at magtalo ang mga ito sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Dead-on-the-spot ang biktimang si Roberto Gaban, 38, ng Area C, Camarin ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong malalalim na saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa isang patalim. Pinaghahanap naman ang suspek na si Antonio Daganasol. Dakong alas-10:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa binabantayang bahay ng suspek sa nabanggit na lugar na dito nag-inuman ang dalawa na nang malasing ay nagkakulitan at nagtalo hanggang sa kumuha ng patalim ang suspect at pinagsasaksak ang biktima.

Show comments