May-ari ng gym itinumba

MANILA, Philippines - Sabog ang bungo at nasawi ang isang 39-anyos­ na negosyante habang sugatan naman ang kaibigan nito maka­raang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang lalaki sa Marikina City, kama­kalawa ng gabi.

Napuruhan sa ulo si Randy Padua, may-ari  ng  Fitness Gym  at nakatira  sa Barangay Parang, Marikina  City.

Sugatan naman at gi­nagamot ngayon sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center si  Bryan Guatno, 39, na tinamaan ng bala ng cal. 45 pistola sa hita at braso.

Samantala, tumakas na palakad ang gunman na animo’y walang naganap na pamamaril papalayo sa crime scene.

Nabatid kay P/Supt.  Russel  Leysa  ng Scene  of the Crime Operatives  (SOCO ) ng Eastern­ Police District na ang pa­mamaril ay naganap dakong alas-10:30  ng  gabi sa bahagi ng Del Pilar  Street.

Ayon  sa  police report, nakatayo at nag-uusap ang magkaibigan sa harap ng Fitness  Gym nang lapitan at ratratin kung saan nadamay lamang­ si Guatno.

Hindi pa nabatid ng pulisya ang motibo sa krimen subalit may teorya ang pulisya na professional gun-for-hire ang killer dahil sa estilo ng pamamaril.

Show comments