^

Metro

Lalaki, tinodas sa selos

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Selos ang isa sa mga motibong iniimbestigahan ng pulisya matapos patayin sa saksak ang isang lalaki ng hindi pa nakikilalang suspect kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Nasawi noon din ang biktimang si Leopoldo Ca­ta­pang, ng Calaca, Batangas habang nagsasagawa naman ng follow up operation ang pulisya upang matukoy ang suspect.

Sa imbestigasyon ni SP02 Rolando Prades, ng Station Investigation Division (SID), Pasay City Police, da­kong alas-2:07 nang ma­tagpuan ang biktima na duguan at wala ng buhay sa gate ng West Construction Corporation  na matatagpuan sa Circulo Del Mundo, St. Andrew, Vil­la­mor Air Base ng nabanggit na siyudad ng ilang concerned citizen na kaagad na ipinagbigay sa pu­lisya ang insidente.

Nabatid sa ilang naka­kakilala sa biktima na lagin­g nakikita ang biktima na may kasama itong iba’t ibang babae.

Dahil dito, isa sa teorya ng pulisya na posibleng ka­­ribal sa pag-ibig ang pu­matay sa biktima at selos ang isa sa anggulong kanilang iniimbestigahan.

vuukle comment

AIR BASE

CIRCULO DEL MUNDO

LEOPOLDO CA

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

ROLANDO PRADES

SHY

ST. ANDREW

STATION INVESTIGATION DIVISION

WEST CONSTRUCTION CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with