Lim, nakiisa sa 10,000 sumaksi sa Pacquiao-Marquez rematch

MANILA, Philippines - Nakiisa si Manila Mayor Alfredo Lim sa 10,000 mga residente na nanood sa San Andres Sports Complex upang saksihan ang rematch nina boxing icon Manny Pacquiao at Mexican boxer Juan Manuel Marquez.

Kasama sina Manila Police District Director Senior Supt. Alex Gutierrez, Station 9 chief Col. Ernesto Tendero, Jr. city security force ret. Maj. Nick Amparo at department of public­ services chief ret. Maj. Carlos Baltazar, dumating si Lim sa nasabing sports complex upang muling panoorin kung paano talunin ni Pacquiao sa ikatlong pagkakataon si Marquez.

Bagama’t hindi natupad na mapabagsak sa 3rd round ni Pacquiao si Marquez, napanatili pa rin nito ang tatag at ga­ling kung saan muling nagbigay ng karangalan sa bansa.

Sinabi pa ni Lim na hindi matatawaran ang galing at husay ni Pacquiao kung kaya’t nararapat lamang na ma­bigyan ito ng parangal ng Maynila.

Show comments