Bangkay ng paslit lumutang sa dagat

MANILA, Philippines - Natagpuan na kahapon ng umaga ng pulisya ang bangkay ng isang 2-anyos na batang babae na lulutang-lutang sa dagat matapos itong mahulog at malunod noong Martes sa Navotas City. Halos hindi na makilala ang biktimang si April Espiritu, ng Brgy. Navotas West, ng nasabing lungsod.

Sa report ng pulisya, dakong alas-9 kahapon ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa break water ng Pier 2, Navotas Fish Port, Navotas City.

Nabatid na isang mangingisda ang nakakita sa bangkay ng biktima at mabilis na ipinagbigay-alam sa mga pulis.

Matatandaan na noong nakaraang Martes, bandang alas-10 ng umaga nang bigla na lamang mahulog sa dagat ang biktima matapos itong magtungo sa isang tindahan kasama ng kanyang pinsan na dalawang taong gulang din.

Show comments