^

Metro

Norwegian, niratrat todas, 1 pa sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang Norwegian ang patay matapos na pagbabarilin ng hindi pa kilalang armadong suspect kung saan isa pang lalaki ang sugatan makaraang tamaan ng ligaw na bala sa lungsod Quezon ka­hapon.

Ayon kay PO2 Hermogenes Capili, ng Cri­minal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police Dis­trict, kinilala ang nasawi na si Mikael Troy Rasay, 18, binata, at naninirahan sa no. 18 San Francisco St. Brgy. Capitollo, Pasig City. Nagtamo ito ng tatlong tama ng bala ng baril sa likod na tu­magos sa dibdib at tiyan na siyang ikinamatay nito. 

Ginagamot naman sa East Avenue Medical Center si Arjay Lag­dameo, 22, binata, ng B-18 L-9 Jackson Drive. Boardway Pines, Mayamot, An­tipolo Rizal­.

Mabilis namang tu­makas ang suspect na may taas na 5’5, na­kasuot ng sando, maikli ang buhok, pa­yat, at may tattoo ng mukha sa balikat sakay ng isang Mazda 3 na kulay gray at plakang XWJ-502 o XWY-502, base sa tes­tigong si Ramon Javier.

Sa pagsisiyasat, nang­yari ang insidente sa may Timog Avenue, sa lungsod ganap na alas-5 ng umaga.

Batay sa salaysay nina Jovy Katagiri at Maria Kristina Espina, kalalabas lamang umano nila ng biktima sa Excess Super Club sa lugar nang makita nila ang isang komo­s­­yon sa pagitan ng isang lalaki at isang babae.

Dahil dito, nagpasya si Rasay na awatin ang dalawang nagtatalo dahilan para magalit ang lalaki at pinagbuntunan siya nito ng galit na na­uwi sa pagsusuntukan hang­gang sa mapatumba ni Rasay ang lalaki.

Nakita naman ang gulo ng bouncer ng club at inawat ang da­lawa hanggang sa bigla na lamang umalingawngaw ang mga putok ng baril para sa biktima.

Dito na nakita ng mga testigo ang suspect na may bitbit ng baril kung kaya’t nagpasya ang biktima na magtago. Ngunit sinun­dan pa rin ito ng hindi pa nakikilalang suspect at pinagbabaril bago tumakas.

Agad namang itinakbo ng mga testigo sa Capitol Medical Center ang biktima pero idineklara din itong dead on arrival.

Sa imbestigasyon­, ti­namaan naman ng ligaw na bala si Lagdameo na naroon din at dinala sa EAMC kung saan ito nagpapagaling.

Narekober ng awto­ridad sa lugar ang 12 spent shells ng kalibre .9mm na baril na ginamit ng suspect. 

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.

vuukle comment

ARJAY LAG

BOARDWAY PINES

CAPITOL MEDICAL CENTER

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EXCESS SUPER CLUB

HERMOGENES CAPILI

INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

ISANG NORWEGIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with