^

Metro

Pagpapagamot sa pribadong ospital, giit ni Andal Jr. sa korte

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Iginiit ni Maguindanao massacre suspect Zaldy Ampatuan Jr. sa QC Regional Trial Court na payagan siyang makalabas ng kulungan sa BJMP upang makapagpa-check-up sa isang pribadong ospital.

Sa petisyong isinumite ni Atty. Redemberto Villanueva, abogado ni Zaldy sa sala ni Judge Jocelyn Solis-Reyes, sinabi nitong kailangang makapagpatingin sa pribadong ospital ang kliyente dahil sa sakit nitong dia­betes at nagiging isolated ito sa kapwa bilanggo dahil sa kanyang kundisyon.

Sa ngayon, si Zaldy Ampatuan ay nasa cell number 6 sa QC jail annex sa Taguig City kasama ang limang bilanggo at malayo sa kanyang kapwa akusado at kaanak na sangkot sa masaker.

Una nang pinayagan ng QC Court na regular na ma­kapagpatingin sa doktor si Andal­ Jr. kasama ang ama na kapwa akusado sa masaker na si Andal Ampatuan Sr.

Gayunman, sinabi ni Villa­­nueva na hindi sapat ang medical equipment sa Bureau of Jail Management and Penology infirmary para tingnan ang kliyente kundi mas maganda kung madala si Andal Jr. sa isang pribadong ospital dahil isang araw lang naman ang kaila­ngan nito at hindi magpapa-confine.

Gayunman, tumutol ang panig ng prosekusyon sa ka­hilingan ng kampo ni Zaldy­ dahilan sa ito anila ay kinukonsiderang isa itong “flight risk” lalo na’t hindi pa ito nasa­salang sa pagbasa ng sakdal ng korte.

vuukle comment

ANDAL AMPATUAN SR.

ANDAL JR.

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

GAYUNMAN

JUDGE JOCELYN SOLIS-REYES

REDEMBERTO VILLANUEVA

REGIONAL TRIAL COURT

SHY

TAGUIG CITY

ZALDY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with