^

Metro

Iniwan ng nobya, helper nagbigti

- Danilo Garcia -

Manila, Philippines - Isa na namang sawi sa pag-ibig ang winakasan ang sariling buhay sa pamama­gi­tan ng pagbibigti nang hiwalayan umano ng kanyang kasintahan, kahapon ng ma­daling-araw sa Pasay City.

Malamig nang bangkay nang madiskubre ang biktima na nakilalang si Ronaldo Se­gundo, 34, helper, tubong Panga­sinan, at nakikituluyan sa bahay ng kanyang tiyahin sa Gamban Extn., Pasay City.

Sa ulat ng Pasay City Po­lice, dakong alas-5 ng ma­daling-araw nang madiskubre ng tiyahin ng biktima na si Michelle Idanan ang bangkay nito sa isang bahagi ng unang palapag ng kanilang bahay na nakabigti gamit ang isang asul na lubid. Ayon sa mga kapit­bahay, nakipag-inuman pa ang bik­tima dakong alas-7 kama­kalawa ng gabi sa mga kabarkada. Huling nakitang buhay ang biktima ng tiyahin nito nang umuwi dakong ala-1 na ng madaling-araw at umakyat sa ikalawang pa­­lapag sa pag-aakalang matutulog na.

Wala namang natagpuan na suicide note ang mga im­bestigador ngunit sinabi ng tiyahin nito na maaaring ang pagkasawi sa pag-ibig nito ang dahilan ng pagpa­patiwakal matapos na ma­laman nito na nakipag­hiwalay ang kasintahan ng kanyang pamangkin.

vuukle comment

AYON

GAMBAN EXTN

HULING

ISA

MALAMIG

MICHELLE IDANAN

PASAY CITY

PASAY CITY PO

RONALDO SE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with