Broker, trader todas sa ambush

Manila, Philippines - Patay ang isang broker at isang trader matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspect sa magkahiwalay na insi­dente sa Mandaluyong City at Maynila.

Idineklarang patay sa Mandaluyong City Medical Center, si Rolex Gandeza, 35, ng Lot 4, Blk. 37 B-Anahan II, Silang Cavite.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, naganap ang krimen da­kong alas-9:35 ng gabi sa kahabaan ng Pioneer St., EDSA sa Mandaluyong City.

Sinasabing naglalakad umano ang biktima nang bigla na lang itong pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang lalaki sa likod ng dalawang ulit, gamit ang isang .9mm na baril.

Samantala, tadtad naman ng tama ng bala ng baril sa katawan si John Chris­topher Me­neses Ki, ng #1401 C.M. Recto Ave., Sta. Cruz, Maynila­.

Sa ulat ni PO3 Charles John Duran, dakong alas-4 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa loob ng Supreme Label International Electrical Industries, na pag-aari ng biktima.

Kausap ng biktima ang tauhan na si Merlyn Be­sona, 18, ng Tomas Mapua  St., Sta. Cruz, Maynila nang lapi­tan ng isa sa mga suspect  at agad na pinaulanan ng putok.

Tinitingnan ngayon ng pu­lis ang anggulo na resbak ng nakaalitan sa negosyo­.

Show comments