Holy week schedule ng LRT LINE 1, 2 inilabas

MANILA, Philippines - Inilabas na ng Light Rail Transit Administration (LRTA) ang iskedyul ng LRT Line 1 at 2 ngayong Holy Week.

Ayon kay LRTA spokesman Hernando Cabrera, bukod sa pagbibigay-daan sa paggunita sa Lenten Season, isagawa rin ang taunang scheduled maintenance ng LRT Line 1 System.

Sa Abril 20, Miyerkules Santo, na ang hu­ling biyahe ng Baclaran Terminal at Roosevelt Station sa LRT 1 at Santolan Station at Recto Station naman sa LRT 2, ay hanggang 8:00 ng gabi lamang.

Hindi naman muna bibiyahe ang mga tren sa mga araw ng Abril 21 (Huwebes Santo), Abril 22 (Biyernes Santo), Abril 23 (Sabado de Gloria) at Abril 24 (Linggo ng Pagkabuhay). Ang operasyon ng LRT 1 at 2 ay ina­asahang babalik sa normal sa Abril 25, ng 5:00 ng madaling-araw.

Show comments