^

Metro

Dinukot sa Marikina, itinapon sa Antipolo: Pilar Pilapil kritikal sa saksak

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang bete­ranang aktres at da­ting beauty queen na si Pilar Pilapil matapos na pag­sasaksa­kin ng mga hinihinalang carjackers at itapon sa isang madilim na lugar sa Antipolo City.

Nasa maayos naman na umanong kon­disyon sa The Medical City si Pilapil, 60, residente ng  Levitown Sub­division, Parañaque City.

Gayunman, hindi pa rin natatagpuan ng mga awtoridad ang kasamahan ni Pilapil na si Rossell Ro­salem, na isinama ng mga suspek­ nang tu­­makas ang mga ito pagkatapos na itapon ang aktres.

Batay sa inisyal na ulat ni PO3 Rodel Druha, ng Antipolo City Police, si Pilapil ay natagpuang sugatan ng mga residente ng Piedra Blanca Subdivision, Brgy. San Luis, Antipolo City dakong alas-11:30 ng gabi.

Isinugod ng mga residente ang aktres sa Antipolo District Hospital, ngunit matapos na malapatan ng paunang lunas ay inilipat din ito sa The Medical City sa Pasig dahil sa tatlong grabeng saksak na tinamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sinasabing dakong alas-9:40 ng gabi, sakay ng isang Kia car na kulay gold si Pilapil at kaibigang si Rosalem, at nakaparada sa River Banks, Brgy. Barangka sa Marikina City nang sapilitan umanong pasukin ng mga suspek sa sasakyan.

Tinangay ng mga suspek ang dalawa, at nang makarating sa Antipolo ay itinapon si Pilapil, matapos na pagsasaksakin ito.

Nagawa naman ng aktres na makahingi ng tulong sa mga residente, kaya’t naisugod ito sa pagamutan.

Unang inimbestigahan ng Antipolo City Police ang insidente ngunit malaunan ay itinurn-over din sa Marikina­ City Police.

Ayon naman kay P/Supt. Manuel Tabuena, tagapagsalita ng Marikina City Police, nakausap na nila ang isang Bernie Penas, na umano’y kina­kasama ni Pilapil at kinumpirma nito na dakong alas-7:00 ng gabi nang maghiwalay sila ng aktres sa isang mall.

Nagpaalam umano ito sa kaniya na makikipagkita kay Rosalem dahil sa isang mahalagang transaksiyon. Laking gulat naman umano ni Penas nang tawagan siya ng pulisya at ipaalam ang naganap kay Pilapil.

Si Pilapil ay kinoro­nahan bilang Binibining Pilipinas-Universe noong 1967, at isa sa mga itinuturing na magaling na aktres sa kaniyang kapanahunan, matapos na makakuha ng dalawang best actress awards.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO CITY POLICE

ANTIPOLO DISTRICT HOSPITAL

BERNIE PENAS

CITY

MEDICAL CITY

PILAPIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with