MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang malawakang balasahan sa operation ng mga jail management operations sa Metro Manila at Southern Tagalog region.
Sa balasahan ay maaapektuhan ang mahigit sa 70 positions, ayon kay DILG Secretary Jesse M. Robredo kung saan ang basic consideration anya ng reshuffle ay ang performance, seniority, ranks, relevant trainings, at maximum 2-year tour of duty.
Ayon kay Robredo, 44 na BJMP officials mula sa Metro Manila at 32 mula sa Southern Tagalog ang maapektuhan ng nasabing balasahan.
Nilinaw ng kalihim na ang marami sa mga naapektuhan ng revamp sa BJMP ay ang mga opisyales na matagal ng nasa kanilang posisyon sa loob ng dalawang taon.
Ang pagpapalit anya ng guwardiya ay kailangan para maiwasan ang impartiality at “familiarization” sa pagitan ng local officials at iba pang indibiduwal at mga jail officers na nakatalaga dito.