^

Metro

4 na 'Salisi' sa tourist belt, timbog

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Apat na babaeng sinasabing miyembro ng ‘Salisi gang’ na nag-ooperate sa tourist belt area sa Ermita at Malate, sa Maynila ang natimbog ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD), inulat kahapon.

Isang Miriam Gorion, 53, ng Brgy. San Nicolas, Bacoor,   Cavite ang unang naaresto at pagkatapos na imbestigahan ay nagbigay daan upang madakip ang iba pang suspect na sina Mitch Lopez, 33 ; Teresa Ocampo, 42, at ang isang Leah dela Paz, 32, pawang kapitbahay ng una.

Tinutugis pa rin ang tatlong lalaki na pawang miyembro din ng grupo.

Pinakahuling insidenteng sangkot ang grupo, nitong Marso 19 kung saan nabiktima ang fashion designer na si Remedios Robles , 59, ng Unit 16, 17, 5th floor ng Elan Condominium Hotel sa Annapolis St., Greenhills San Juan City.

Sa reklamo niya sa MPD, umaabot sa P1.2 milyong halaga ng cash at alahas na laman ng kaniyang bag ang natangay ng ‘Salisi gang’ habang kumakain siya sa isang restaurant sa Maynila.

vuukle comment

ANNAPOLIS ST.

ELAN CONDOMINIUM HOTEL

GREENHILLS SAN JUAN CITY

ISANG MIRIAM GORION

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

MITCH LOPEZ

REMEDIOS ROBLES

SALISI

SAN NICOLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with