Call center agent nagbaril sa sarili

MANILA, Philippines - Patay na at may tama ng bala sa dibdib mula sa Magnum .357 pistola ang isang 43-anyos na call center agent ang tumambad sa roomboy ng isang hotel nang pasukin ito dahil sa narinig na malakas na putok mula sa nasabing silid sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktimang si Eric Custodio, residente ng Multinational Village, Parañaque City ay mag-isang nag-check-in sa isang hotel sa M.H. del Pilar St., Malate, Maynila.

Narekober malapit sa kamay ng biktima ang Magnum .357 na hinihinalang ginamit sa pagbaril sa sarili. Wala namang suicide note na nakita sa loob ng inokupahan nitong silid sa nasabing hotel.

Ayon pa sa ulat, dakong alas-6 ng gabi kamakalawa nang pumasok sa hotel ang biktima na malungkot umano ang mukha.

Dakong alas-9:30 na nang may marinig na putok mula sa silid nito kaya agad inalam ng roomboy at sapilitang binuksan ang silid. Nakabulagta na sa kama ang biktima at duguan kaya itinawag na sa pulisya ang insidente.

Inaalam naman ng awtoridad kung may naganap na foul play habang ang bangkay ay inilagak sa St. Ivan Funeral Homes. (

Show comments