Droga sa regalo nabuko, 1 arestado

MANILA, Philippines - Hindi nakalusot sa mata ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang modus operandi ng drug syndicate na pagla­la­gay ng droga sa isang kahon na mistulang birthday gift ma­ta­pos na masabat ito sa isang drug-operation sa harap ng Phi­­lippine Post Office (PhilPost) sa lungsod Quezon, ini­ulat kahapon.

Isang suspect ang naaresto sa naturang operasyon na nakilalang si Jesse Johnson, alyas Jovit Calaminos Reformoso, 26, ng Project 6, sa lungsod.

Si Reformoso ang sina­sabing kukuha sana ng birthday box na may nakalagay na pa­ngalan at address ng isang Nena Perez ng #5060 Frazer St., Vancouver, BC VSW 248 nang masabat ito ng mga ope­ratiba sa may loob ng PhilPost sa NIA Road, Brgy. Pinyahan, sa lungod pasado alas-12 ng tanghali.

Ang nasabing kahon ay nag­lalaman ng isang piraso ng puting envolope na may bugkos na pulbura na pinaniniwalaang droga.

Agad na dinakip si Re­formoso saka kinumpiska ang droga saka dinala sa PDEA headquarters sa NIA Road, para masuri ito at maimbes­tigahan na rin ang una.

Show comments