Sex palit grade, prof arestado

MANILA, Philippines - Nakapiit ngayon ang isang college professor matapos ireklamo ng kanyang estudyante sa hindi pagtupad sa panga­kong ipapasa sa klase kapalit ng sex.

Sa ulat ni C/Insp. Marcelo Reyes, hepe ng Manila Police District-General Assignment Section (GAS) at City Hall Police Assistance (CHAPA) noong Huwebes, Pebrero 24, nang ipa­aresto ni City College of Manila (CCM) Dean Faustina Tolentino ang suspect na si Robert L. Torres, professor ng Business Administration sa CCM Escolta St., Sta. Cruz, Manila dahil sa sumbong ng biktimang si Robin Chil Crispino, 19, ng Road 2, Barretto St., Pandacan.

Ikinagalit ng biktima nang makitang bagsak pa rin siya at posibleng hindi makapagmartsa sa darating na graduation sa Marso o Abril, sa kabila ng pakikipag-sex sa professor noong Pebrero 16, sa isang motel, sa D. Jose St., Sta. Cruz, Maynila.

Pinapunta umano ang biktima sa opisina ng suspect at sinabihang nami-miss umano siya nito. Inalok siyang mag-usap sila sa restaurant dahil baka umano bumagsak siya. Nang sumama ang biktima ay idineretso siya sa motel at kung hindi papayag na makipagtalik ay ibabagsak umano siya kaya natupad ang nais ng suspect. Gayunman, nabatid na ibinagsak pa rin nito ang estudyante.

Sinampahan ang suspect ng paglabag sa Republic Act 7877 (Anti-Sexual Harassment Act) kaugnay sa naganap umanong oral sex.

Show comments