Binatilyo sinumpak sa noo, patay

MANILA, Philippines –  Patay ang isang 17-anyos na out-of-school youth matapos sumpakin ng dalawang hindi pa kilalang mga lalaki habang naglalakad sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kalalabas pa lamang umano ng bahay matapos maghapunan ng biktimang kinilalang si Edward Manzano, ng Oro St., Sta. Ana, Manila, nang makarating sa ina nito na may bumaril sa anak.

Agad umanong dinala sa Sta. Ana Hospital ang biktima subalit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas dakong alas-3:40 ng madaling-araw.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:45 matapos mag­hapunan nang magpaalam ang biktima sa ina na may susunduin lamang na kaibigan at pagsapit nito sa panulukan ng Ilorgasa St. at Road 16 sa Sta. Ana ay may humarang na dalawang lalaki at pinaputukan ng sumpak sa noo at kaliwang tenga ang biktima.

Inaalam pa ang pagkilanlan ng mga tumakas na suspect .

Teorya rin ng pulisya na may kalabang grupo o gang ang biktima.

Show comments