Binatilyo tinarakan dahil sa sayaw

MANILA, Philippines - Isang 16-anyos na binatilyo ang patraydor na sinaksak ng isang lalaking sinasabing naasar at na­pangitan sa pagsa­sayaw ng una sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Nasa kritikal na kon­dis­yon sa Jose Reyes Me­morial Medical Center (JRMMC) sanhi ng tina­mong saksak sa likod ang biktimang si Jerikson Villaron, ng M. de Vera St., Brgy. Navotas West ng nasabing siyudad.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa hindi pa nakikilalang suspect na mabilis na tumakas mata­pos ang ginawang pana­naksak sa biktima.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa kahabaan ng M. de Vera St., ng nabanggit na barangay.

Ayon sa salaysay ng mga testigo na tumang­ging magpabanggit ng pangalan,  kasalukuyang nagpapraktis ng sayaw ang biktima kasama ng ilan nitong kaibigan nang dumating ang suspek. Agad umanong kinanti­yawan ng suspek ang biktima sa pangit nitong sayaw subalit hindi naman ito pinansin ni Villaron hanggang sa tuluyang mainis ang lalaki at biglang patraydor na sinaksak ang binatilyo saka mabilis na tumakas.

Show comments