Pulis nakasagi na, pumatay pa

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki matapos na barilin ng isang bagitong pulis na nasagi nito kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Dead-on-arrival sa Alabang Medical Center ang biktimang si Hamprey Dabu, 28, ng Brgy. Cupang, Muntinlupa matapos na magtamo ng tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga awtoridad laban sa suspect na si PO1 Ryan Gonzales, nakatalaga sa anti-carnapping  ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa report  ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi   sa isang piyesta sa Bgy. Cupang, Muntinlupa City. Dahil sa dami ng tao sa lugar, nasagi umano ni Gonzales ang biktima na ikinagalit nito. Dito ay sinita umano ng biktima ang suspect hanggang sa bunutin ng huli ang kanyang service firearm at pinaputukan ang biktima.

Duguang bumulagta ang biktima na mabilis na isinugod sa pagamutan subalit hindi na rin umabot ng buhay.

Show comments