^

Metro

Pipi na bading todas sa P20 na oral sex

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ng isang security guard ang isang pipi na bading makaraang makuli­tan ang una sa paniningil sa kanya ng halagang P20 bayad sa “oral sex” na ginawa ng biktima sa suspect ka­ha­pon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Dead-on-the-spot ang biktimang nakilala lamang sa alyas na “Richard Pipi”, tina­tayang nasa 25 hanggang 30 anyos, nakasuot ng spaghetti strap na blouse, mahabang palda, lady’s shoes, may tattoo sa kanang braso na “BJJ 432” at may taas na 5’4’’. Nagtamo ito ng tama ng bala sa mukha na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Himas-rehas naman nga­yon ang suspect na si Lito Oxales, 33, security guard ng AAB Investigation and Secu­rity Agency at residente ng   Lakeview Subd., Brgy. Pulang Lupa, Las Piñas City. 

Sa ulat ni Det. Edgardo Ko ng Manila Police District-Ho­mi­cide Section, dakong alas-4 ng madaling-araw nang ma­ganap ang pamamaril sa kanto ng Quezon at Capulong Sts., Tondo.

Nabatid na nagkasundo ang dalawa na babayaran ang biktima ng P20 para sa oral sex at nang matapos ay sini­ngil niya ang sekyu na nagalit pa umano dahil nawawala ang pera niya sa bulsa.

Sa kabila ng sign language lamang ay kinukulit ng bading ang sekyu na umalis na la­mang at nang muling magkita ay naningil umanong muli ang biktima.

Posibleng nakulitan ang sus­pect kaya pinutukan umano sa mukha ang bading gamit ang kalibre 38 baril na nagresulta sa kanyang aga­rang kamatayan.

Nang makita umano ng mga kasamahang bading ang nangyari sa biktima ay agad nagpasaklolo sa mga security guard na sina Abraham Tab­liago at Augusto Rayses, na nakatalaga sa nasabing lugar na siyang umaresto sa sus­pect at narekober ang baril na ginamit sa pama­maslang.

vuukle comment

ABRAHAM TAB

AUGUSTO RAYSES

CAPULONG STS

EDGARDO KO

INVESTIGATION AND SECU

LAKEVIEW SUBD

LAS PI

LITO OXALES

MANILA POLICE DISTRICT-HO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with