^

Metro

Kinarnap na sasakyan nina Ambassador Romulo, ama ni Derek Ramsey nabawi

- Joy Cantos, Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Umiskor ang mga ta­uhan ng Anti-Carnapping Group ng National Capital Region Po­lice Office (NCRPO) kasunod ng pag­kakasakote sa dala­wang miyembro ng notor­yus na car­napping gang na res­ponsable sa pagtangay ng behikulo nina Ambassador Roberto Romulo sa Taguig City at ng ama ng actor/model na si Derek Ram­sey Sr. sa Tagaytay City.

Kinilala ni NCRPO Chief Director Roberto Rosales ang mga nasakoteng suspect na sina Glenn del Castillo, 31; at Dale Ali­magno, 22. Kapwa sugatan ang mga nadakip na suspects mata­pos makipag­pa­litan ng putok sa mga ope­ratiba dakong alas-11:15 ng gabi nitong Huwe­bes sa Filinvest 2, Quezon City.

Nakatakas ang lider ng sindikato na kinilalang si Ivan Pa­dilla, alyas Jimmy/Chris­to­pher at Kuku, 24 , na sina­sa­bing mula sa mayamang pa­milya. Ayon kay Rosales ang mga suspect ang respon­sable sa pagkarnap ng kulay gold na Toyota Camry (ZLN-415) ni Romulo at sa itim na Volvo (ZAX-887) ni Ramsey Sr.

Inihayag ng opisyal na ikinasa ng Anti-carnapping group ang operasyon mata­pos na makatanggap ng tip hinggil sa presensiya ng dala­wang walang pla­kang Toyota Camry sa lugar. Gayunman, sisitahin pa lamang ng mga opera­tiba ang driver ng natu­rang mga behikulo ay agad na nagpapu­tok ang mga suspect kung saan nakatakas si Pa­dilla habang arestado naman ang dalawa nitong ka­samahan.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga ito ang isang 12 gauge shotgun rifle, isang cal 9 MM pistol, habang ang nareko­ber na mga behikulo ay isina­sailalim pa sa macro-etching sa PNP-Crime Labo­ratory sa Camp Crame. Na­kuha rin sa mga ito ang dala­wang pares ng ZNL-415 na plaka ng sasakyan. Lumitaw naman sa beripi­kas­yon ng Land Transpor­tation Office na ang Toyota Camry ay naka­rehistro kay Romulo.

Ikinanta ng mga suspect na ang kanilang lider ay si Padilla habang itinuro rin ng mga ito kung saan nila itina­tago ang Volvo ni Ram­sey Sr. na nare­ko­ber sa follow-up operation sa parking lot ng Westmont Bldg. sa Dr. A. Santos, Parañaque.

vuukle comment

AMBASSADOR ROBERTO ROMULO

ANTI-CARNAPPING GROUP

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR ROBERTO ROSALES

CRIME LABO

DALE ALI

DEREK RAM

SHY

TOYOTA CAMRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with