Salvage victim itinapon sa ilog

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng hindi kilalang lalaki ang nakitang lumulutang sa Pasig River, na naka­gapos ang mga kamay at paa at may tama ng bala ng baril sa ulo bago itinapon sa likod ng Philippine Post Office, sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Det. Joseph Kabigting ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:30 ng gabi nang mamataan ng isang Nelson Umacob ang nakalutang na bangkay, na inilarawan sa edad na 22 hanggang 25, katam­taman ang pangangatawan, kayumanggi, may natuyong hiwa sa kaliwang bahagi ng tiyan at may tattoo sa likod ng katawan.

Hinila umano papalapit sa pampang ng ilog ang bangkay, sa tulong ng mga bystander at iniulat ni Umacob sa Police Community Precinct-Lawton.

Show comments