P6.5-bilyong pondo, iiwan ni SB sa kaban ng Quezon City

MANILA, Philippines - Makaraan ang siyam na taong paglilingkod sa Quezon City bilang local chief executive, mag-iiwan si outgoing Mayor at Congressman-elect Feliciano ‘SB” Belmonte Jr. ng halagang P6.5 bilyon pondo para sa susunod na administrasyon ng lungsod.

Si Belmonte lamang ang natatanging Mayor sa QC na nag-iwan ng malaking pera sa kaban ng lungsod hindi katulad ng mga nagdaang administrasyon dito na nag-iwan ng malaking utang.

“I am leaving Quezon City with a legacy that there will be no ‘time bombs’ here that could challenge the constitutionality of my administration as city mayor,” pahayag ni SB.

Sinabi ni Belmonte na ang mahalaga ay ang susunod na mangangasiwa sa lungsod ay magkakaroon ng epektibong pamumuhunan mula sa financial resources ng QC upang makatulong na higit na mapahusay ang kalidad ng pamumuhay ng maraming residente dito.

Mula 2002 hanggang 2009, ang city government’s financial resources  ay nagpondo ng malawakang socio-economic program at iba pang mga programang magpapasigla sa kasaysayan ng lungsod.

Umaabot sa P17.70 bilyon ang naging investments ng city government sa social at developmental infrastructure.

Sa mga nagdaang taon, ang Belmonte administration ay  may target na 60:40 ratio sa pagitan ng kasalukuyang operating expenses at pondo para sa proyekto at imprastraktura upang mamantine ang mahusay na burukrasya.

Show comments