Chairwoman inireklamo

MANILA, Philippines - Sa korte na inaasahang mauwi ang sigalot ng isang magkapitbahay makaraang magreklamo ang isang lady professor laban sa kanilang chairwoman, mister nito at isang lupon ng barangay dahil sa pananakit at tang­kang pagposas sa kanya sa gitna ng pag-aaway sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa reklamong inihain ka­hapon kay PO2 Reggie delos Reyes, ng Manila Police Dis­trict-General Assignment Sec­tion, ni Annaliza Yanga, pro­fessor ng University of Santo Tomas, noong Abril 27 at 28, 2010 umano naganap ang pag­tulak sa kanya at tang­kang pagposas.

Kabilang sa inirereklamo ni Yanga si Barangay 381, Zone 38 chairwoman Elena Apolinario, sa kasong co­er­cion at physical injury naman sa mister nitong si Ed­gardo, 47; at lupon tagapa­mayapa na si Fermin Abigan, 64.

Nag-ugat ang insidente nang sitahin umano nina Edgardo at Abigan si Yanga kung bakit sumulat ito sa Department of Public Works and Highway upang ipalinis ang drainage sa kanilang lugar at na-bypass umano ang chairwoman.

Show comments