5 sugatan sa labu-labo

MANILA, Philippines - Lima katao ang malubhang nasugatan sa labu-labo ng isang grupo ng kalalakihan sa loob ng Mega Q-Mart sa EDSA, Cubao, Barangay Rodriguez, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktma na sina Dexter Lopez Cruz, 26, driver; Joe Corpuz III, 29; Angel Buzet, 39; pawang monitoring security at stay-in sa 723 Q-Mart; at mga vendor na sina Norman Castano., 19, binata; at Erwin Hidal, 28, kapwa ng Barangay Rodriguez.

Sina Castano at Hidal ang itinuturing na suspek dahil sila ang nagsimula ng kaguluhan.

Bago nito, nag uusap sina Cruz, Corpuz at Buzet nang dumating sina Castano at Hidal na may bitbit na butcher’s knife at inatake ang mga una

Kahit sugatan, nagawa namang makaganti ng tatlo at makuha ang patalim sa dalawa saka inatake ng sak­ sak ang mga ito bago nagawang makatakas. Dating alitan ang tinitignang ugat ng insidente.

Show comments